Magsesenti po muna ako.
Ilang araw na lang bagong taon na. Hindi ako makapaniwala na ang daming nangyari nung 2017. Ibang-iba of what i envisioed it to be. Pero sabi nga nila, ang buhay puno ng sorpresa. Katulad ngayon, nag tatagalog ako kahit na English major ang kurso ko. Di kasi ako masyadong magaling sa grammar at rhetoric. Kaya para safe, tagalugin na. Bilangin natin ang mga panibagong nangyari sa akin ngayong taon
JANUARY. Nakayanan kong lampasan ang Dinagyang Festival. Salamat sa tulong ng mga kaibigan, katrabaho at kamag anak
FEBRUARY. Naku. Masaya ito. Hindi man swabe and pasok ng buwan pero ang saya parin. Bakit? Kasi nagka lovelife ako. Keeleeeg. Charets
MARCH. Namaalam sa isang katrabaho. Na realize ang ibang bagay at nag sinungaling sa mga importanteng tao sa buhay ko para makapag resign. Opo. Humihingi ako ng patawad. Di ko na po uulitin. I’ve learned from my mistakes
APRIL. Pinakamahabang 30days ng buhay ko. So far. Lungkot. Pamamaalam. New chapter ika nga.
MAY. Bagong trabaho, kakilala, kaibigan. Isang buwan akong namalagi sa manila. Bago para sa akin yun.
JUNE. Pasukan na. Balik iloilo para patunayan sa sarili na kaya ko nang mag isa mag trabaho. Charot level 300
JULY. Pagsubok, tagumpay at adjustments. Nakapasa sa financial advisors exam. Nagpa hiv test. Naglaba at kung ano2x pa. Parang andaming time eh.
AUGUST. Pagtawid sa mga naghihirap na sales ng tenants. My ghad. The pressure. Nagpa rebond, nagpagupit at ngayon, kulot pa din.
SEPTEMBER. Konting kembot pa. Taguyod ang regularization. Gagalingan pa para sa target na increase. Kaya ko to mga beshies.
NOVEMBER. Regular na! Pwedeng nang umabsent, ma late at mag trabaho na parang kalabaw. Balik manila life. Ang saya. Dito ata umalis si lablife. Naku. Masaya nga ito.
DECEMBER. Matatapos na rin ang taon. Ang saya. First time ko ata makukumpleto ang simbang gabi.
Natatawa ako sa sarili ko paminsan-minsan. Parang bata mag isip, umiiyak sa maliliit na bagay. Hayup. Ang dami kong napuntahan. Ang daming first time. Di ko alam kung naging mabuting tao ba ako, o ganun pa rin. Madaldal, mataray, malandi at mapang alipusta. Pero bes, magaling akong kumembot. Cheken
Salamat. Salamat sa tatlong daang animnapu’t limang araw ng 2017. Hindi ko inakalang matapang pala ako. Kaya ko palang makipagsapalaran sa mundong walang kasiguraduhan. Nagkakamali, nagtatagumpay, pero patuloy na naniniwalang ang mundo ay isang malaking quiapo. Masikip, maingay, may banta ng dilubyo, chaos at agawan. Minsan baka manakawan ka pa ng pagkakataon at paniniwala. Pero kapit lang bes. Gabay natin ang Panginoon.
Salamat po mga beshies! Sa uulitin. Ang iyong sandigan ng katotohan at pagmamalasakit.
Kapuso sa salita, kapamilya sa gawa,
kasamang Jan Rae Aguilos.
No comments:
Post a Comment